Welcome
Get to Know Us
Sto. Cristo National High School is a top-rated educational institution, providing a comprehensive learning experience to students of all ages. Our highly qualified staff and state-of-the-art facilities ensure that our students get the best education possible.
Come join us on our journey of excellence and discovery
Shortcut Links
Senior High School Offers
Our school courses are designed to provide students with a comprehensive education that prepares them for success in all aspects of life. We offer a diverse range of courses that cover a variety of subjects, giving students the flexibility to tailor their education to their interests and goals.
Events & Announcements
Drills
SCNHS Campus Media
MAY PASOK NA | Maagang nagsimula ang pagbabalik eskwela ng humigit-kumulang dalawang libong SCians ngayong araw, Agosto 29. Sinimulan ng Grades 7, 9, at 12 na mga nasa pang-umagang klase ang unang araw ng klase sa isang flag raising ceremony.
Pinaalalahanan ng administrasyon ng Sto. Cristo National High School ngayong araw, Agosto 23 ang mga guro ukol sa mga patakaran ng DepEd hinggil sa pagtuturo.
Ito ay kaugnay ng pagbabalik-eskwela ng SCians sa Martes, Agosto 29 na tumalakay din sa mga isyu at alalahanin na nauugnay sa kanilang tungkulin bilang mga kawani ng pamahalaan.
Tumayo bilang mga tagapapagsalita ang mga Department Head na sina Angelita Carballo, Berith Grace Gallardo, Pam Valencia, Restituto Cruz, Jr. at Mary Rose Espinas.
Bahagi ang nasabing talakayan ng In-Service Training for Teachers na may layuning palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga alagad ng edukasyon.
TINGNAN | Unang araw ng enrollment sa SCNHS, dinagsa
Umabot sa 348 mag-aaral, karamihan ay mula sa Grade 7 ang tumungo sa Main Campus ng Sto. Cristo National High School ngayong unang araw ng enrollment.
Agosto 22 itinakda ang simula ng pagpapatala ng mga mag-aaral sa Grade 7 na umabot ng 280. Ngayon din ipinatatala ang mga transferee at balik aral sa junior high school.
Ayon sa DepEd, magpapatuloy ang enrollment hanggang sa Agosto 26, 2023 habang magbubukas naman ang klase sa Agosto 29, Martes.
Bilang suporta sa MATATAG Basic Education Agenda at matiyak na walang mag-aaral na maiiwan, sumabak sa National Learning Camp (NLC) ang SCians mula Grade 7 at 8.
Isinabak sa Consolidation Camp ang 18 mag-aaral na boluntaryong nakilahok sa iba't ibang module na layong mapalakas ang kanilang mga kakayahan sa core subjects.
Pinangunahan nina Andrea Rose Laya, guro sa English; Liza Pascual, guro sa Science; at Jose Ricky Villanueva, guro sa Matematika ang NLC na nasa ikalawang linggo na ng implementasyon.
Inaasahan na sa pagtatapos ng 2022-2023 End-of-School Year (EOSY) break, magkakaroon ang mga mag-aaral ng mas malalim na pang-unawa sa kanilang mga aralin at magiging handa para sa mga hamon ng darating na taon.
TINGNAN: Aktibong nakilahok ang Sto. Cristo National High School sa isinagawang Schools Division 2023 Brigada Eskwela Kick- Off at Oplan Balik Eskwela ika- 14 ng Agosto, 2023 na ginanap sa San Jose del Monte National Trade School.
Samantala, matagumpay ding naisagawa ang SCNHS Brigada Eskwela Kick- Off Program na dinaluhan ng mga guro, mga mag-aaral, SK ng Barangay Sto. Cristo at iba pang mga stakeholders.
Ang Brigada Eskwela Week, na may temang "Bayanihan para sa Matatag na Paaralan" ay mula Agosto 14, 2023 hanggang Agosto 18, 2023.
Para sa mga nais makibahagi at magpaabot ng tulong at suporta, makipag- ugnayan kina Ma'am Angel Grace C. Pronebo at Ma'am Christine Nelyn C. Rosario.
Para sa karagdagang imposmasyon tungkol sa Brigada Eskwela, i-click ang link na ito: https://www.facebook.com/groups/scnhs307509/permalink/3148853665409531/?mibextid=Nif5oz
Mga larawang kuha nina Gng. Pamela Dianna Jane Valencia at Bb. Krsna Rebulado
SCNHS Campus Media
AGOSTO 07, 2023
Ginanap kaninang umaga ang isang payak na palatuntunan bilang pasasalamat sa ating punongguro, G. Rogelio G. Sison Jr. Dinaluhan ito ng mga guro at kawani ng Sto. Cristo National High School.
Ito ang huling araw ng panunungkulan niya sa paaralan matapos ang higit sa isang taon. Samantala, bukas ay ang unang araw niya bilang bagong punongguro ng Kakawate National High School at Coordinating School Head ng San Isidro High School.
Salamat po Sir Rogelio!
Mga larawang mula kay G. Al F. Santiago
Isang espesyal na araw ang ipinagdiriwang natin ngayong Agosto 30 para sa lahat ng Bulakenyo. Ngayon ay ginugunita ang kinikilalang Ama ng Pamamahayag ng Pilipinas, isang-katlo ng mga propagandista, manunulat, at “pinakamahusay na anak” ng bayan, si Marcelo H. Del Pilar.
Isa siya sa mga nanguna sa kilusang reporma laban sa kolonyal na pamahalaan ng Espanya mula 1880s hanggang sa kanyang kamatayan noong 1896. Ginamit niya ang mga panulat na "Dolores Manapat," "Plaridel," at "Pupdoh".
Isang puso at diwang nakikibahagi ang Sto. Cristo National High School sa pagdiriwang ng ika-173 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Marcelo H. del Pilar. Kaalinsabay nito ang paggunita sa Pambansang Araw ng Malayang Pamamahayag ayon sa atas ng Republic Act 11699.
𝟮,𝟭𝟭𝟯 𝗦𝗖𝗶𝗮𝗻𝘀, 𝗕𝗮𝗹𝗶𝗸-𝗘𝘀𝗸𝘄𝗲𝗹𝗮 𝗻𝗮
Mahigit dalawang libong mag-aaral ang nagbalik-eskwela sa Sto. Cristo National High School nitong Agosto.
Bagama't bumaba ng mahigit 5.5% ang enrolment kumpara noong taong panuruan 2022-2023, pumasok nang maaga at may pananabik ang 2,113 SCians mula Grades 7-12 sa pag-arangkada ng School Year 2023-2024.
Inaasahan naman ng paaralan na maabot ang target enrolles na 100% kaya patuloy pa rin ang pagtanggap sa mga late enrollee hanggang sa katapusan ng Setyembre.
𝘜𝘭𝘢𝘵 𝘯𝘪 𝘑𝘩𝘰𝘯 𝘗𝘢𝘵𝘳𝘪𝘤𝘬 𝘎𝘢𝘳𝘪𝘯
𝘓𝘢𝘳𝘢𝘸𝘢𝘯 𝘯𝘪 𝘝𝘪𝘯𝘤𝘦 𝘑𝘩𝘢𝘯𝘥𝘦𝘭 𝘋𝘦𝘥𝘢𝘴𝘪
National Teachers' Month with the theme "Together4Teachers" is a reminder that education is a collective endeavor.
It is an opportunity for us to acknowledge the extraordinary contributions of teachers and to reaffirm our commitment to their well-being and professional growth.
Let us stand together in celebrating and supporting our teachers, recognizing that their work shapes not only our present but also the future of our nation.
#NationalTeachersMonth
#Together4Teachers
#NTM2023
Gumising ka ba nang maaga ngayon? Nagkaroon ka ba ng bagong kaibigan? Naligaw ka ba ng klasrum? Ikwento mo na ang iyong unang araw ngayong Balik Eskwela at malay mo maitampok ka pa ng aming staff sa school publication.
THEY'VE MADE IT! Over 100 aspiring journalists marked a jubilation of ingenuity and precise craftsmanship in the two-day auditions held at Sto. Cristo National High School Annex Campus, Sept. 19-20.
These auditions were centered on the transformation of words into stories, the careful identification and correction of faults, an appeal of politics through pictures, and the observation of the world through a camera lens. A celebration of originality and meticulous craftsmanship, these auditions brought together ambitious writers, diligent proofreaders, witty cartoonists, and visual storytellers to display their skills.
Here is the set of qualifiers. Stay tuned for the training workshop schedule.
𝐔𝐋𝐀𝐓 𝐊𝐀𝐌𝐏𝐔𝐒 | 𝐂𝐚𝐦𝐩𝐮𝐬 𝐌𝐞𝐝𝐢𝐚 𝐬𝐭𝐚𝐟𝐟 𝐧𝐚𝐧𝐠𝐡𝐢𝐤𝐚𝐲𝐚𝐭 𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐛𝐚𝐠𝐨𝐧𝐠 𝐣𝐨𝐮𝐫𝐧𝐨
Magsulat at mag-ulat upang magmulat.
Ito ang pinanghawakan ng Campus Media staff sa kanilang pag-iikot nitong Setyembre 14-15 upang manghikayat ng mga mag-aaral sa kampus na maging bahagi ng pampaaralang pamamahayag.
Umabot ng 162 ang mga nagpatala kung saan 44 ang mula sa Grade 7; 61 sa Grade 8; 50 sa Grade 9; 8 sa Grade 10; at dalawa sa Senior High School.
Kasama sa mga kategoryang inihain ng staff ang pagsulat ng balita, pang-ulong tudling, kolum, lathalain, sulating agham at pampalakasan gayundin ang pagkuha ng larawan, pagwawasto ng sipi, pagguhit ng kartun, pag-aanyo at broadcasting.
Magsisimula ang audition sa News, Editorial, Column, Science, Feature at Sports writing sa darating na Setyembre 19 samantalang sa Setyembre 20 naman gaganapin ang audition sa Photojournalism, Editorial Cartooning at Copyreading sa ganap na 10:30- 11:45 ng umaga sa Campus Media Office Annex.
𝑼𝒍𝒂𝒕 𝒏𝒊 𝑫𝒉𝒆𝒛𝒏𝒊𝒆 𝑬. 𝑨𝒏𝒅𝒓𝒆𝒔
𝑴𝒈𝒂 𝑲𝒖𝒉𝒂 𝒏𝒊 𝑲𝒓𝒔𝒏𝒂 𝑪. 𝑹𝒆𝒃𝒖𝒍𝒂𝒅𝒐 𝒂𝒕 𝑴𝒊𝒄𝒉𝒆𝒍𝒍𝒆 𝑮𝒐𝒏𝒛𝒂𝒍𝒆𝒔
The City Government of San Jose del Monte has provided Sto. Cristo National High School, Annex campus minor repairs in time for the in-person classes.
The minor renovations included declogging and rehabilitation of canals, cleaning of roof gutters, and repairs of ceilings and handwashing facility which were part of the City Traffic Management - Sidewalk Clearing Operations Group's (CTM-SCOG) assessment last August 22.